No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

209 socialized housing units, ipinagkaloob ng SHFC sa mga Lucenahin

LUCENA CITY (PIA) — Opisyal nang ipinagkaloob ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) at ni Gov. Doktora Helen Tan ang 209 housing units na  mapapakinabangan  na ng mga residente sa Brgy. Mayao Crossing, Lucena City.
 
Ayon kay Quezon Gov. Helen Tan, patuloy na makikipag-ugnayan ang Pamahalaang Panlalawigan para sa mga proyekto at programa na mapapakinabangan ng mga Quezonians.
 
“Maraming challenges sa buhay minsan hindi stable ang hanapbuhay, huwag po kayong gigive-up palagi pong may paraan,” paalala ni Gov. Tan sa mga pamilya na napagkalooban ng pabahay.
 
Matatandaang nagsimula ang proyekto noong 2016 para matugunan ang problema ng pabahay sa lalawigan ng Quezon partikular sa mga mahihirap na residente lalo na yaong wala pang sariling bahay o nangungupahan lamang.
 
Lubos namang nagpapasalamat si Gilbert Pereyra, presidente ng Upright Community Homeowners Association, Inc. (HOAI) para sa proyektong pabahay ng nasyonal na ahensya at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. (Ruel Orinday- PIA Quezon)
 

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch