No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

'Eye Care, We Care' program na may badyet na P20M sinimulan na ng Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) -- Sinimulan na ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon ang full implementation ng ‘Eye Care, We Care" program’ na may badyet na P20 milyon sa ilalim ng 7K flagship program nito.

Layunin ng programang ito na matulungan pa ang mga Sorsoganon na magkaroon ng malinaw na paningin at maiiwas sa tuluyang pagkasira ng mga mata.

Ang Magallanes ang kauna-unahang bayan sa lalawigan na nakabenepisyo ng nasabing programa kung saan nitong ika-20 ng Oktubre ay isinagawa ang visual screening ng mga pasyente.

Ginanap ang visual screening sa Rural Health Unit ng bayan ng Magallanes at 77 mga pasyenteng may problema sa paningin ang sumailalim dito.

Nitong Setyembre ay matagumpay na naisagawa ang pilot testing ng ‘Eye Care, We Care" program sa lungsod ng Sorsogon. Maliban sa visual screening, ang mga pasyenteng may suliranin sa paningin ay binigyan ng pares ng salamin sa mata.

Mahigit P20M ang inilaang pondo sa pagsisimula ng nasabing programa mula sa kabuuang mahigit P800M na pondong inilaan para sa health program ng provincial government.

Ginanap sa Magallanes Rural Health Unit ang visual screening ng 77 kataong may suliranin sa paningin. (Photo: The Premiere Press)
(Kuhang larawan ng Premire Press)

Kabilang sa mga serbisyong iniaalok nito ay ang visual screening, referral para sa diagnosis at paggamot at referral para sa rehabilitation services ng mga pasyenteng may mahihinang paningin.

Inaasahang mas marami pang mga pasyenteng may problema sa paningin sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Sorsogon ang mabebenipisyuhan ng nasabing programa sa mga darating pang mga araw. (PIA-5/Sorsogon)


About the Author

Benilda Recebido

Information Center Manager

Region 5

Benilda "Bennie" Recebido is the Information Center Manager of PIA Sorsogon.

Feedback / Comment

Get in touch