Aniya, kapag may na-monitor sila na ruta na tumigil ang operasyon sa nasabing mga araw ay maglalabas sila ng show cause order upang pagpaliwanagin ang mga kinauukulan.
"Nu adda ruta, nu kaspangarigan insardeng da ti operasyon da, awan agserbi iti barangay, ikkan mi iti show cause order to explain. Nu saan da a naipalawag husto, mabalin a maikkan da iti sanction (Kung may ruta, halimbawa tumigil ang kanilang operasyon, walang magsisilbi sa barangay, bibigyan namin sila ng show cause order. Kapag hindi nila naipaliwanag nang husto, maaari silang patawan ng parusa)," ani Mendoza.
Dagdag pa nito, may mga ilan mang nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa program sa pamamagitan ng sticker o pagdidikit ng papel sa kanilang sasakyan pero hindi naparalisa ang operasyon ng pampublikong transportasyon.
Matatandaang sinabi ng DOTr LTFRB na kailangang mag-consolidate ang mga PUV operators hanggang Disyembre 31 dahil magiging requirement na ito para sa vehicle registration sa susunod na taon. (DEG-PIA CAR)