Katuwang sa pagpupulong ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry-Camarines Norte (PCCI-CN), Camarines Norte Provincial Micro, Small and Medium Enterprise Development (CNPMSMED) council at ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ipinahayag ni Dindo G. Nabol, regional director ng DTI RO5 na ang pagtitipon ng mga negosyante partikular na ng sektor ng turismo ay para maka-assess, evaluate, makapag plano kung ano ang maaaring gawin upang mapaunlad ang industriya ng turismo sa Camarines Norte.
Aniya, maraming ginagawa ang DTI para mapahusay ang operasyon ng pagnenegosyo at pagbibigay ng intervention hindi lang sa pagsasanay katulad ng technical assistance, financing, marketing at iba pa.
Sa naturang gawain, ipinahayag ng mga resource speaker na sina Entrepreneur Coach Joel L. Cruz at General Manager Engr. Lemuel A. Alondra ng Solargy Solutions ang mga kailangan o kaukulang aksiyon para mapaunlad ang pagnenegosyo upang mapagsilbihan ang mga sineserbisyuhan customers.

Tinatalakay ni Dindo G. Nabol, regional director, DTI RO5, ang ginagawa sa pagpapanatili o pagpapatuloy ng mga nasimulan dahil sa mga efforts at resources na ibinigay hindi lang ng DTI kasama rin ang pribadong sektor. (PIA5/Camarines Norte)
Ang Department of Agriculture (DA) naman sa Farm Investment Opportunities.
Ipinagmamalaki ng Camarines Norte ang dinamikong sektor ng negosyo sa turismo na gumaganap ng malaking papel sa pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.
Ang aktibidad ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng mga pangunahing stakeholder na mahalaga para sa pagpapaunlad ng ekonomiya, paghikayat sa pagbabago at katatagan at pagpapalakas ng sektor ng negosyo.
Naaayon ito sa ibinahaging layunin ng pagpapahusay ng katayuan sa ekonomiya ng Camarines Norte at pagtiyak sa pangmatagalang inklusibong paglago at pag-unlad. (PIA5/Camarines Norte)