‘No touch’ policy ng PMA, maganda ang resulta ayon sa akademya

BAGUIO CITY (PIA) — Pinanindigan ng Philippine Military Academy (PMA) na maganda ang resulta ng pagpapatupad nila ng ‘no touch’ policy sa akademya.

Ayon kay PMA Commandant of Cadets BGen. Ramon Flores, ang ‘no touch’ o ‘no contact’ policy ay programa upang masiguro na walang maltreatment at hazing sa pagpasok pa lamang ng mga kadete sa PMA.

Sa implementasyon ng nasabing polisiya ay walang naitalang anumang kaso ng pangmamaltrato sa loob ng akademya, ani Flores.

Aniya, sa pagpapatupad ng ‘no touch’ policy ay mas nahuhubog pa ang mga fourth class cadets.

“The ‘no touch policy’ enables  the upper class cadets to consider the fourth class cadets as their mentee, and they as their mentor. It makes the molding of that particular fourth class cadet in a holistic perspective and providing him with due respect and providing him with the platform to excel as well,” si Flores.

Sinabi nito na sinusunod ng mga kadete ang naturang polisiya kung saan, mayroon namang kaukulang corrective training measures para sa mga fourth class cadets.

Siniguro ni PMA Commandant of Cadets BGen. Ramon Flores na maganda ang implementasyon ng ‘no touch’ policy sa akademya, sa ginanap na Kapihan nitong Biyernes, Mayo 10, 2024.

“And right now, we are gaining the product of that no touch policy, we have no maltreatment report as of this time. It is a change in the mindset and the culture of training our cadets.”

Sinabi ni Flores na ang ‘no touch’ policy ay nakatutulong din upang mapanatag ang mga magulang sa pagpasok ng kanilang mga anak sa akademya.

Ipinatupad ng PMA ang ‘no touch’ policy para matiyak na walang kaso ng pangmamaltrato o hazing sa loob ng akademya. (DEG/PIA CAR)

In other News
Skip to content