Nueva Vizcaya coffee farmers, tatanggap ng P7.5M mula sa DOLE

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) —Tatanggap ng P7.5 million na tulong-pinansiyal ang mga coffee farmers sa lalawigan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na buwan.

Ayon kay DOLE Provincial Director Elizabeth Martinez, ang coffee farmers sa mga bayan ng Ambaguio, Sta. Fe, Kasibu, Kayapa, at Dupax del Sur ang inaasahang tatanggap ng funding upang mapalawak at maiangat ang antas ng coffee industry sa lalawigan.

Dagdag ni Martinez, ang nasabing tulong para sa mga coffee farmers sa lalawigan ay isasagawa katuwang ang Provincial Local Government Unit upang matulungan ang mga coffee farmers sa Nueva Vizcaya.

Ayon pa kay Martinez, 13 coffee shops din sa lalawigan ang mabibigyan ng parehong tulong at training, kabilang ang mga kagamitan, upang maitaas ang kalidad ng kanilang  coffee products.

Ang coffee farmers sa lalawigan ay nabigyan ng parangal na Outstanding Coffee Green Grading Results with Zero to Minimum Defects Award noong nakaraang taon mula sa  Philippine Coffee Quality Competition (PCQC).

Tinutulungan din ng Department of Trade and Industry ang coffee farmers sa lalawigan upang maipakita ito sa mga iba’t ibang trade fairs at exhibits sa bansa. (BME/PIA NVizcaya)

In other News
Skip to content