On-site SIM card registration sa Sorsogon, nakapagtala ng aabot sa 800 registrants Published on: February 10, 2023

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Aabot sa 800 SIM card holders ang nagpunta sa on-site registration na idinaos   ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Bonifacio Covered Court ng bayan ng Pilar sa lalawigang ito nitong ika-3 ng Pebrero.

Batay sa inilabas na datos ng NTC regional office, 784 ang nairehistrong simcards kung saan 413 nito ay Smart, 16 ay DITO, at 355 naman ay Globe.

Nilinaw ni NTC Regional Director Samuel Sabili na ang NTC personnel ay pumupunta sa mga lugar na kinokonsidera nilang remote areas pero may internet connection dahil hindi naman aniya makakapagregister kung walang internet connection.

Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga Pilarenos na hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang simcard na makapag parehisto na.

Nagpasalamat  sa NTC ang mga taga Pilar na nahihirapan sa pagrehistro ng kanilang simcard dahil malaking tulong anila sa kanila ang ginawang hakbang ng NTC upang madaling mairehistro ang kanilang Scientific Identity Module Card.

Ayon kay Sabili, ang deadline ng pagpaparehistro ng kanilang SIM card ay magtatagal sa Abril 25, 2023. Panawagan niya na hikayatin na ang kanilang mga kaibigan, pamilya at kamag-anak na magparehistro bago pa dumating ang deadline. (PIA5/Sorsogon)

In other News
Skip to content