
LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Nagtayo ng One Stop-Shop ang Metro Manila Development Authority kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Police, at mga lokal na pamahalaan, sa ilang paaralan sa National Capital Region upang seguruhin ang tahimik at ang muling pagbubukas klase.
Ang One Stop-Shop Help Desk ay nasa ilalim ng Oplan Balik Eskwela na naglalayon na tiyakin ang kaligtaasan at seguridad ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng face-to-face classes.
Ilan sa mga paaralan na may maraming mag-aaral ay ang mga sumusunod:
Benigno S. Aquino Jr. Elementary School, Batasan Hills High School, Miriam College sa Quezon City, Manila City University Belt sa España at Legarda, at Manila City Philippine Christian University.
Samantala, nag-deploy ang MMDA ng ilang mga traffic personnel sa bawat paaralan na nabanggit upang tumulong sa pagsasaayos ng trapiko sa paligid ng mga paaralan. (MMDA/PIA-NCR)