‘Orange exhibit’ para sa 18-Day VAW campaign inilunsad ng LGU Albay

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) — Pinangunahan ng Albay Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) ang kick-off activity ng ‘Orange exhibit’ para sa 18-Day campaign to end Violence Against Women and Children (VAWC) nitong Nobyembre 28 sa Albay Capitol.

‘’Happy to have formally kicked off Albay’s “Orange Campaign” or the 18-day campaign for protecting Albayana women and young girls from all forms of violence: physical, mental, emotional, economic and sexual,’’ saad ni Albay Gov. Atty. Edcel Grex Lagman.

Tema ngayong taon ang ‘United for a VAW-free Philippines’ na may layunin na bigyang diin ang pagkakaisa ng bawat mamamayan upang maabot ang komunidad na malaya sa karahasan sa mga kababaihan.

Ang nasabing aktibidad ay isinasagawa taon-taon mula Nobyembre 25 hanggang 12 ng Disyembre.


Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang kick-off activity ng ‘Orange exhibit’ para sa 18-Day campaign to end Violence Against Women and Children (VAWC) nitong Nobyembre 28 sa Albay Capitol. (Photo from Albay PSWDO)

Hinikayat din ni Lagman ang mga Albayano na suportahan ang nasabing kampanya at bisitahin ang exhibit ng VAWC survivors bilang inspirasyon na mahikayat ang mga biktima ng VAWC na ipaabot ang kanilang reklamo o hinaing sa mga awtoridad.

‘’Mayroon tayong fully-functional na mga women and children’s desks sa lahat ng 721 barangays sa Albay, at trained social welfares na handang tulungan kayo,’’ saad ni Lagman.

Tampok sa nasabing exhibit sa loob ng Albay Capitol ang mga orange decorations at IEC materials upang ipakita ang pagkakaisa ng lokal na pamahalaan na sugpuin ang karahasan at protektahan ang karapatan ng mga kababaihan.

Kasama rito ang mga matagumpay na nagawa ng member-agencies ng Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (PCAT-VAWC), Albay Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) at iba pang katuwang sa serbisyo para sa VAWC. (With reports from Cyryl L. Montales/PIA5-Albay)

In other News
Skip to content