OrMin Tourism Destination Marker, iginawad sa Gabutero Organic Farm Resort


Personal na iginawad ni Cherry Jean Sanchez mula Provincial Tourism Office ang tourism destination marker kay kay G. Nelson B. Gabutero; ang may-ari at general manager ng Gabutero Organic Farm ay kay Bongabong Tourism Officer Joseph Nathaniel Gonzales. (Larawan mula Oriental Mindoro Tourism Page)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Pinangasiwaan ng Oriental Mindoro Provincial Tourism Office ang turnover at installation ng Travel Oriental Mindoro Tourism Destination Marker sa Gabutero Organic Farm Resort sa Brgy. Labonan, Bongabong kamakailan bilang bahagi ng mga programang nagsusulong ng turismo sa lalawigan.

Layunin ng mga serye ng paggawad ng mga naturang markers na maibida at mabigyan ng dagdag kaalaman ang mga turistang bumibisita sa iba’t-ibang atraksyon sa lalawigan. Napapaloob sa naturang mga marker ang detalyadong paglalarawan at maging kasaysayan ng mga atraksyon na malalagyan ng mga ito.

Ilan lamang sa mga panturismong atraksyon na nalagyan na ng naturang mga marker ay ang Silonay Mangrove Conservation Eco-Park sa Lungsod ng Calapan, Simbahang Bato mula sa bayan ng Naujan; Pocanil Beach Resort sa Bulalacao, at Infinity Farm Resort sa Baco. Nakatakda pang magkaroon ng serye ng paggawad ng mga destination markers sa iba pang mga panturismong atraksyon pagkatapos ng mga isasagawang masusing pagtukoy at pag-aaral sa mga ito.

Personal na iginawad ng kawani ng Provincial Tourism Office ang marker kay G. Nelson B. Gabutero, na siyang may-ari at general manager ng Gabutero Organic Farm at kay Bongabong Tourism Officer Joseph Nathaniel Gonzales. (JJGS/PIA Mimaropa-OrMin)

In other News
Skip to content