P10M proyektong imprastraktura sa Calapan, pinasinayaan

Pinasinayaan ni Calapan City Mayor Marilou Morillo ang mga bagong kongkretong kalsada na matatagpuan patungo sa Calapan City District
Jail sa Brgy. Sapul (kaliwang larawan), at daan sa (kanang larawan) Sitio Kulo-Kulo, Brgy. Bulusan. (Larawan kuha ng City Information Office)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Pinangunahan ni Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo, katuwang ang City Engineering and Public Works Department (CEPWD) sa pagpapasinaya ng iba’t ibang proyektong imprastraktura sa lungsod na nagkakahalaga ng halos P10 milyon.

Isa sa mga pinasinayaan ng pamahalaang lungsod ay ang kongkretong kalsada sa Sito Kulo-Kulo sa Barangay Bulusan na nagkakahalaga ng P4,989,973.20, gayundin ang kalsada patungong Calapan City District Jail sa Barangay Sapul na nagkakahalaga ng P997,981.89 at ang mahigit P3 milyong multi-purpose hall sa Barangay Calero.

Bukod dito ay binasbasan at pinasinayaan na rin ang drainage canal sa Panaligan Street sa Barangay Camilmil at mga diversion roads na sakop ng mga Barangay Sta. Isabel, Masipit, Tawiran at Balite upang gumaan ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng J.P. Rizal Street mula sa bayan hanggang sa Barangay Lalud. (DN/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)

In other News
Skip to content