P129M halaga ng mga bagong investment, inaprubahan ng BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) — Abot sa P129.8 milyon halaga ng mga bagong investment ang inaprubahan noong Lunes, February 27, ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI).

Ito ay matapos aprubahan ng BBOI ang dalawang mga investment kabilang ang M & R Layer Poultry Farm at Timako Bayu Seafood Resto na inaasahang makapagbibigay ng 122 na mga trabaho.

Ang M & R Layer Poultry Farm ay isang agricultural at agribusiness producer ng mga halal na itlog sa Barangay Buliok sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.

Sa kabilang banda, ang Timako Bay Seafood Resto naman ay naka sentro sa turismo at atraksyon na matatagpuan sa Barangay Kalanganan 2 sa lungsod ng Cotabato.

Base sa tala ng BBOI, mula Enero hanggang Pebrero ay nakapag-apruba ang tanggapan ng higit P604 milyon halaga ng investment.

Target naman ng BBOI ang P2.5 bilyong halaga ng investment ngayong taon. (PIA-XII)

In other News
Skip to content