Mag-ingat sa mga disimpormasyon—#MagingMapanuri.
Alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang ipagbibili na bigas sa KADIWA ay katumbas ng regular na kalidad na kasalukuyang binebenta sa mga pamilihan. Sa ngayon, wala pang inilalabas na suplay ng bigas kaugnay sa P20/kilo rice program dahil ito ay sisimulan pa lamang sa susunod na linggo sa mga rehiyon sa Visayas.