P21M halaga ng tulong medikal, ipinagkaloob ng BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) — Maaari na ngayong makakuha ng libreng gamot ang mga mahihirap na pasyente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM), sa pamamagitan ng mga Mercury Drug Pharmacy outlet sa rehiyon.

Ito ay matapos ibigay ng MSSD kay Mercury Drug Cotabato branch manager Daniel Ulep ang P21 milyon halaga ng tseke noong Huwebes, Enero 26 na layong mapadali ang pagbibigay ng mga gamot para sa mga mahihirap na pasyente.

Ang mga pasyenteng mayroong referral mula sa MSSD ay makakakuha ng libreng gamot mula sa mga sangay ng Mercury Drug sa mga lungsod ng Cotabato, Tacurong, Iligan at Zamboanga; at mga bayan ng Midsayap at Kabacan sa North Cotabato.

Sinabi ni MSSD minister Atty. Raissa Jajurie na ang nasabing tulong ay naglalayong mas mapahusay pa ang serbisyo ng ministry para sa mga mahihirap na pasyente na agarang makatatanggap ng kinakailangang mga gamot.

Upang maka-avail sa nasabing programa, ang mga pasyente o ang kanilang mga awtorisadong kinatawan ay sasailalim sa interview at assessment ng mga social worker ng MSSD upang matukoy kung sila ay kwalipikado bilang mga benepisyaryo. (With reports from Bangsamoro Government)

In other News
Skip to content