LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Ipinagkaloob mula sa Quick Response Fund (QRF) ng Naujan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang nasa P3,550,000 na halaga na siyang ipinamahagi sa 1,775 magsasaka na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bayan ng Naujan noong nakaraang buwan kung kaya idineklara ng pamahalaang bayan ang State of Calamity noong Enero 23.
Umabot ang pinsala sa sektor ng agrikultura na dulot ng pagbaha sa P77,832,739.60 na base na rin sa ulat ng Municipal Agriculture’s Office na ibinatay sa isinumiteng ulat ng bawat barangay sa MDRRMO.
Bawat magsasaka ay tumanggap ng tig-P2,000 ayuda mula sa nasabing pamahalaang lokal na maliit man anya ito at hindi makakasapat sa kanilang mga pangangailangan ay ipinasasalamat pa rin ng nasabing sektor at malaking tulong na rin anya para sa kanilang pamilya. (DN/PIA-OrMin/Naujan-PIO)