P8M kontribusyon, hinahabol ng SSS sa 10 employer sa lungsod ng Olongapo

LUNGSOD NG OLONGAPO (PIA) — May 10 delinquent employer ang binisita ng Social Security System (SSS) sa lungsod ng Olongapo bilang bahagi ng kampanyang Run After Contribution Evaders o RACE.

Layunin nito na paalalahanan ang mga delinquent employer tungkol sa pagbabayad ng kontribusyon ng kani-kanilang mga manggagawa.

Ayon kay SSS Olongapo Branch Head Marites Dalope, bibigyan ang mga ito ng 15 araw mula sa pagkakatanggap ng demand letter upang makipag-ugnayan sa kanilang account officer at bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Aabot sa 8,043,450 pisong kontribusyon ang target na makolekta ng SSS kung saan 288 empleyado ang makikinabang dito.

Bahagi lamang ang 10 delinquent employer na ito sa 3,018 na hinahabol ng SSS Olongapo Branch.

Kaugnay nito, inialok ng SSS sa nasabing mga delinquent employer ang kanilang programang Contribution Penalty Condonation, Delinquency Management and Restructuring Program o CPCoDE MRP, alinsunod sa SSS Circular 2022-021 at 2022-021B kung saan maari nilang hulug-hulugan ang kulang na kontribusyon ng kanilang mga empleyado. (MJSC/RGP PIA-3)

May 10 delinquent employer ang binisita ng Social Security System o SSS sa lungsod ng Olongapo bilang bahagi ng kampanyang Run After Contribution Evaders o RACE. (Reia G. Pabelonia/PIA-3)

In other News
Skip to content