Paalala ng DTI sa consumers: Tiyaking ligtas ang Christmas lights na gagamitin

LUNGSOD PASAY, (PIA) — Ngayong napapalapit na ang Pasko, paalala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na tiyaking ligtas ang Christmas lights na gagamitin sa inyong mga tahanan o tanggapan.

Ayon sa DTI, mahalagang tingnan kung ang nabiling Christmas lights ay may Philippine Standard (PS) mark o Import Commodity Clearance (ICC) sticker.

Dagdag pa ng DTI, ang mga markings na ito ay patunay na ito ay dekalidad at ligtas gamitin.

Maaari ring i-scan ang QR code para sa listahan ng Christmas lights na may valid PS Mark at ICC Sticker Certification Mark License.

Para sa iba pang tips at consumer updates, bisitahin ang DTI website sa www.dti.gov.ph o sa DTI Consumer Care Facebook page https://www.facebook.com/DTI.ConsumerCare. (JEG/PIA-NCR)

In other News
Skip to content