Paalala ng NCRPO sa publiko, maging ligtas ngayong Semana Santa

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Ngayong panahon ng Semana Santa, paalala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko na maging ligtas sa paggunita nito.

Paalala ng NCRPO lalo na sa mga bibiyahe na tiyaking naka-lock ang mga pinto ng bahay at naka-unplug ang lahat ng appliances.

Takpan ang mga bintana upang maiwasan ang mga tagalabas na sumilip sa inyong bahay. Gayundin, kung maaari, ihabilin sa taong pinagkakatiwalaan na tingnan ang inyong tahanan. Iwasan ding ipahayag o i-post sa social media na aalis ng bahay.

Sa mga uuwi naman sa kanilang mga probinsya o magbabakasyon, mahalagang dumating ng maaga sa mga terminal at tiyakin ang mga kinakailangang dalhin.

Payo rin ng NCRPO na iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas at palagiang tingnan at suriin ang mga dala-dalang gamit.

Mahalaga ring maging alerto sa paligid at mag-ingat para sa isang ligtas na Semana Santa.

Para sa anumang emergency, tumawag o mag text sa NCRPO hotline: Smart: 09999018181; Globe: 09158888181 o sa kanilang Facebook page. (JEG/PIA-NCR)

Cover photo courtesy of Southern Police District

In other News
Skip to content