SAN FERNANDO, Romblon (PIA) — Ibinida ang pag-integrate sa probinsya ng Universal Healthcare system sa ginanap na One Romblon Health Summit ngayong February 09 sa Pasig City.
Layunin ng nasabing health summit na maipakilala ng lubos sa mga ospital ang isang province-wide na health system.
Sa welcome remarks ni Governor Jose Riano, hiniling nito sa lahat na magkaisa sa pagpapaunlad sa serbisyong pangkalusugan ng mga Romblomanon.
“Suportahan natin ang isa’t isa, mula sa ating mga local chief executives, Municipal Health Officers, Chief of Hospital at lahat ng nangangasiwa para sa kalusugan ng ating Probinsya upang lalong mapabuti ang serbisyong pangkalusugan,” ayon sa gobernador.
“We hope that we all work in partnership and be able to integrate our health system to further enhance the delivery of healthcare services in our Province as we remain united in to achieve an integrated One Romblon Health System,” dagdag pa nito.
Pumirma ang mga dumalo sa isang pledge of commitment kaugnay sa nasabing programa.
Ang nasabing health summit ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong ospital sa probinsya, mga municipal health officers, mga kinatawan ng Department of Health at Philippine Insurance Corporation, at ilang bisita.
Sa welcome remarks ni Governor Jose Riano, hiniling nito sa lahat na magkaisa sa pagpapaunlad sa serbisyong pangkalusugan ng mga Romblomanon. (Larawan mula sa opisina ni Governor Jose Riano)
Maliban kay Governor Riano, dumalo rin rito ang mga alkalde ng iba’t ibang bayan sa probinsya ng Romblon. (PJF/PIA Mimaropa)