



Pinangunahan nina OPAPRU Peace Program Officer and Area Coordinator in CALABARZON Tristan Jeremias Bello at Southern Tagalog Regional Adviser for Peace and Security MGEN. Rhoderick Parayno (RET.) ang diskusyon patungkol mga programang pangkapayapaan ng pamahalaan sa naganap na Media Orientation on Localized Peace Engagement and Transformation Program ngayong araw, Setyembre 18.
Binigyang diin nila na mahalagang malaman ng bawat mamamayang Pilipino ang mga isyung pang-insurhensya at pangkaligtasan sa bansa upang makaiwas sa mga teroristang grupo.
Ito ay alinsunod na rin sa hangarin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wakasan ang armadong tunggalian at simulan ang talakayan tungkol sa pagkakaisa at pagbabago tungo sa Bagong Pilipinas.