PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) — Nanumpa na ang mga bagong Sangguniang Kabataan na kakatawan bilang mga opisyales ng Palawan Provincial Sangguniang Kabataan (SK) Federation.
Ang halalan ng mga ito ay kasabay ng isinagawang Panlalawigang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan Orientation sa pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Palawan sa Victoriano J. Rodriguez Hall sa Gusaling Kapitolyo noong Nobyembre 28.
Naihalal bilang bagong Provincial SK Federation President ng Palawan si SK Chairperson Luzviminda L. Bautista mula sa bayan ng Rizal matapos na makakuha ng kabuuang boto na 21.
Wala namang naging kalaban si Bautista sa nabanggit na posisyon habang nailuklok naman bilang Bise Presidente si Junnel M. Banotan ng Busuanga; Secretary si Bryan Nelcon C. Guarin ng Agutaya; Treasurer si Sammer Mocti Madsali ng Bataraza; Auditor si Tea Joy C. Borbon ng San Vicente;
Si SK Chairperson Luzviminda L. Bautista mula sa bayan ng Rizal ang nahalal bilang Provincial SK Federation President. (Larawan mula sa PIO-Palawan)
PRO sina Nyan Mae F. Abon ng Dumaran at Mike B. Marcelo, Jr. ng Quezon habang Sergeant-at-Arms naman sina Patrick Kenneth M. Gacayan ng Coron at Jayson Rey M. Sespeñe ng Brooke’s Point. Nagsilbi namang Board of Election Supervisors sina PD Tagle; Ferdinand Bermejo ng COMELEC at Sangguniang Panlalawigan
Secretary Angela Peña habang Panel of Observers naman sina Police Lieutenant Colonel Lawrence Bataller ng PNP; Roger Garinga bilang kinatawan ng Civil Society Organizations, at Dr. Dennis M. Lucas, Sr. ng Palawan National School.
Personal ding dumalo si Board Member Juan Antonio E. Alvarez sa nasabing aktibidad. Pinangunahan naman ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates ang panunumpa ng mga nagwaging opisyales ng SK federation ng lalawigan.
Sa mensahe ni Socrates, binigyang diin nito na malaki ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ng mga opisyales ng SK bilang public servants. Hinimok din ng gobernador ang mga ito na magbigay serbisyo ng buong husay at may katapatan para sa lahat ng kabataan sa lalawigan.
Si Bautista ay magiging ex-officio member naman sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan. (OCJ/PIA-MIMAROPA – Palawan)