Pamamahagi ng ayuda para sa mga tricycle driver ng Nueva Vizcaya, sinimulan na

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) – Nag-umpisa na sa pamamahagi ng tulong pinansiyal ang Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya at Department of Social Welfare and Development sa mga tricycle driver sa lalawigan.

Ang ayuda na nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa ay mula sa P15 million na pondo ng Tingong Partylist at tulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ang nasabing pondo na hiniling ni Governor Jose Gambito ay naglalayong maibigay sa 3,000 na tricycle drivers sa lalawigan sa ilalim ng ‘Ayuda sa Kapos Ang Kita’ Program ng DSWD.

“Ito ay tulong natin sa mga tricycle driver dahil alam naman natin na kulang ang kinikita nila araw-araw,” pahayag ni Governor Gambito.

Ang pagbibigay ng tulong sa mga tricycle drivers ay nagsimula sa bayan ng Dupax del Norte kamakailan kung saan 500 na katao ang mga benepisaryo.

Nasa 750 na tricycle drivers sa bayan ng Solano ang nibigyan ng nasabing ayuda mula sa AKAP. (OTB/BME/PIA NVizcaya) PIA Photos

In other News
Skip to content