Pangangalaga sa kultura ng OrMin, tampok sa Training for Cultural Leaders

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Isinagawa ang unang araw ng Training for Cultural Leaders sa Oriental Mindoro Heritage Museum noong Agosto 9, 2023. Ang pagsasanay ay napapailalim sa Cultural Leadership Institute Program na naglalayong higit na linangin ang kaalaman at kakayahan ng mga tumatayong Cultural Leaders na nagsusulong ng pangangalaga ng kultura ng mga katutubo sa bansa.

Pinangungunahan ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) ang naturang aktibidad, isang Autonomous Government Corporation sa ilalim ng Department of Tourism (DOT) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Dhon Stepherson Calda, importante na ang pakikipagtuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa DOT at NPF upang higit na pag-ibayuhin ang pagtuklas at paglinang ng kultura ng lalawigan.

Dagdag pa ni Calda na mayaman sa kultura ang lalawigan ng Oriental Mindoro. Bahagi pa aniya ng kulturang Mindoro ang mga katutubong Mangyan, bagama’t malaking bahagi ang mga ito sa kasaysayan at kultura ng isla ng Mindoro.

Ilan lamang sa mga dumalo sa naturang gawain ay ang 15 kinatawan mula sa Kagawaran ng Edukasyon ng lalawigan at apat (4) mula sa Lungsod ng Calapan. Dumalo rin sa naturang gawain ang mga kinatawan mula sa Mangyan Mission at Mangyan Heritage Center. Upang magpakita naman ng suporta sa gawain dumalo rin ang mga kinatawan mula sa mga paaralan ng City College of Calapan, Mindoro State University at Divine Word College of Calapan.

Tatagal hanggang Agosto 11 ang naturang workshop seminar kung saan tatalakayin ang iba’t ibang mga paksa hinggil sa pagsusulong ng kultura at tradisyon ng mga katutubo sa Oriental Mindoro. (JJGS/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)


Inilahad ni Oriental Mindoro Provincial Tourism Officer Dr. Stepherson Calda ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga ganitong uri ng gawain, upang higit na maisulong ang kamalayan sa kultura ng lalawigan.

In other News
Skip to content