“Walang katotohanan ang alegasyong warrantless arrest kay dating Pangulong Duterte,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Hindi ito maaaring ituring na “kidnapping” o “extra rendition” dahil alam mismo ng dating Pangulo na may nakabinbing ICC arrest warrant laban sa kanya bago siya bumalik mula Hong Kong.
Dagdag pa ni Castro, ang pasasalamat ng ICC sa pamahalaan ay patunay na walang nilabag na batas sa koordinasyon nito sa INTERPOL at sa pagpapatupad ng RA 9851 kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
PANUORIN: