LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Sa pagdiriwang ng World Rabies Day, inihahandog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang ‘Pawshion Show’ para sa ating mga mahal na ‘bantay’ at ‘miming.’
Ang ‘Pawshion Show’ ay gaganapin sa Setyembre 28, 2023, 11:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. sa Entertainment Hall ng Mall of Asia Arena, Pasay City.
Para sa mga interesadong isali ang kanilang mga alagang aso at pusa, naririto ang panuntunan ng patimpalak:
- Tatlumpung (30) aso o pusa lamang ang tatanggapin upang lumahok
- Bukas ito sa lalaki o babaeng aso o pusa na nasa snall at medium category na may balikat na nasa 15 pulgada ang lapad
- Anim na buwang gulang pataas ang maaaring sumali
- Marapat na updated ang anti-rabies vaccination ng alagang hayop kung kayang dapat dala ang vaccination card bilang katunayan
Maaring sagutan at ipadala ang Registration Form sa Animal Bite Treatment Center Viber No. 0977-4718938 kasama ang larawan ng alagang hayop na ilalahok sa ‘Pawshion Show.’
WORLD RABIES DAY CELEBRATION 2023
PET PAWSHION SHOW
REGISTRATION FORM
Pet’s Name:
Age:
Gender:
Breed:
Pet Owner’s Name:
Pet Owner’s Contact Details:
Date of Anti Rabies Vaccine:
Pet Costume Description:
Para sa mga katanungan ukol sa patimpalak maaaring makipag-ugnayan sa mga organizer sa Viber number 0977-4718938.
Ang pagdiriwang ng World Rabies Day ay nagmumulat sa mga tao na ang impeksyon dulot ng rabies ay labis na nakamamatay at maaari lamang mapigilan sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga alagang hayop.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang rabies ay isang viral infection na maaaring mailipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o kalmot mula sa isang infected animal, gaya ng aso at pusa. (Pasay City/PIA-NCR)