Huwag magpapaniwala sa maling balita.
Pinabulaanan ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang umano’y raid sa bahay ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Nanawagan rin siya sa publiko na maging mapanuri at iwasan ang pagpapakalat ng fake news na maaaring magdulot ng kalituhan.