ODIONGAN, Romblon (PIA) — Upang masugpo at mapigilan ang paggamit sa mga delivery courier services, lumagda noong nakaraang Martes, Hulyo 18 sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Romblon at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dumalo sa paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sina PDEA Romblon Provincial Officer Rommela Colis, Mayor Gerard Montojo, Romblon PNP Chief Gemie Mallen, at kinatawan ng Coast Guard Station Romblon.
Sa ilalim ng MOA, ang PDEA at ang mga forwarding at trucking services ay magtutulungan sa isa’t isa para malabanan ang pagpupuslit ng iligal na droga.
Nararapat din umano na magbahaginan ang mga trucking services ng best practices sa paglaban sa nasabing problema.
Hindi lamang droga ang target na mapigilan kundi ang mga controlled precursors and essential chemicals (CPECs).
Nangako rin ang mga lumagda sa kasunduan na makikipagtulungan sila sa PDEA sa gagawing imbestigasyon ng ahensya kung sakaling sila ay kailanganin. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)