Peace and Security Strategic Framework, maayos na naipatutupad ng Lopez MPS

LUCENA CITY, Quezon (PIA) — Maigting na tinututukan ng kapulisan sa bayan ng Lopez, Quezon ang pagpapatupad ng peace and security strategic framework ng Philippine National Police (PNP) na nakatuon sa kampanyang “Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan sa Kaularan.

Ito ang inihayag ni Police Major Lowell Atienza, officer-in-charge chief ng Lopez Municipal Police Station sa idinaos na “Kapihan sa PIA Quezon” sa Pacific Mall, Lucena City nitong Miyerkules, Pebrero 22.

Ayon kay Atienza, pangunahin ring tinututukan ng MPS Lopez ang suporta sa Armed Forces of the Philippines sa pagpapaigting nito ng seguridad at kapayapaan bilang bahagi na rin ng hakbang ng pamahalaan laban sa insurhensiya.

Sinabi pa ni Atienza na may nakatalagang pulisya na nagpapatrolya sa mahigit 95 barangay sa naturang munisipalidad.

“Bagama’t may kakulangan kami sa bilang ng pulis ay natitiyak naman ang patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan dito sa tulong ng mga barangay police at barangay tanod,” ayon pa din kay Atienza.

Sinabi pa din niya na malakas na katuwang nila ang LGU-Lopez at iba pang sektor sa pagsugpo ng kriminalidad sa bayan ng Lopez. — RMO

In other News
Skip to content