πππππππ: Bumaba sa 10.1% ang underemployment rate noong Pebrero 2025 mula sa 12.4% sa parehong buwan ng 2024, ayon sa pinakahuling Labor Force Survey. Ipinapakita nito ang patuloy na pagbuti ng kalidad ng trabaho sa bansa at mas kaunting Pilipinong naghahanap ng dagdag na oras o hanapbuhay.
Samantala, bahagyang tumaas ang unemployment rate sa 3.8% mula sa 3.5% noong Pebrero 2024, ngunit nananatili pa rin ito sa target range para sa 2025. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagtaas na ito ay dulot ng mas maraming kabataang indibidwal na aktibong naghahanap ng trabaho sa nasabing panahon.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, tinututukan ng pamahalaan ang agarang pagpapatupad ng mga proyektong makalilikha ng mas maraming de-kalidad at mataas na kita na trabaho para sa mga Pilipino.
Basahin ang buong storya: https://neda.gov.ph/phfeb2025lfs/