LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)– Inihayag ni PhilHealth 4A Regional Vice President Dr. Danilo Leynes sa idinaos na “Kapihan sa PIA Quezon” noong Pebrero 16 na may mga inihanda silang mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng “PhilHealth 28th Anniversary” .
Kabilang sa mga aktibidad ay ang mga sumusunod: Thanksgiving Mass, blood letting activity, employees day at Social Health Insurance Forum na idaraos naman sa Pebrero 28.
“Nagsasagawa rin po kami ng mga programa kagaya ng hearing test, blood letting at engagement program na taon-taon naming ginagawa,” sabi pa ni Leynes
Ayon naman kay G. Arturo Ardiente, Division Chief, Field Operations Division, PhilHealth Regional Office-4A, ang tema sa taong ito ng anibersaryo ay “Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa mga Mamamayang Filipino” na naglalayong palawakin pa ang mga benepisyong medikal para sa mga miyembro ng PhilHealth.
Samantala, tinalakay din sa “Kapihan sa PIA” ang mga benepisyong maaaring matanggap mula sa PhilHealth kagaya ng value sa mga aksidente at mga sakit kagaya ng kidney transplant- P600,000.00; Dialysis-P270,000.00 (Peritoneal Dialysis).
Para naman sa Philhealth Z- benefits : Cervical Cancer- P175,000.00 (Chemoradiation with Cobalt and Brachytheraphy (low dose) or primary surgery for Stage IA1- IIA1) samantalang P120,000.00 sa Chemoradiation with Linear Accelerator and Brachytheraphy (high dose).
Nabatid rin Kapihan na may 155 ospital sa lalawigan ng Quezon na accredited ng PhilHealth. (RMO/PIA Quezon)