Binisita ni Kalihim Erwin T. Tulfo ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan ngayong araw ng Lunes, ika-26 ng Setyembre 2022 ang isla ng Jomalig, Quezon at kinumusta ang sitwasyon ng mga residenteng nasalanta ng pagdaan ng Bagyong Karding kahapon.
Nagpaabot din ng tulong-pinansyal ang Kalihim sa mga pamilyang nasira ang mga tinitirhan dahil sa pagtama ng bagyo. Magpapaabot din ang DSWD ng food packs at non-food items sa mga residente.
Kasama ni Sec. Tulfo sa pagbisita sina Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Marco M. Bautista at Undersecretary for Operations Group Jerico Francis L. Javier.