Pinangunahan ng Punong Lungsod ng Maynila Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna Pangan ang paggunita sa ika-159 taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Nag-alay ng bulaklak ang Pamahalaang Lungsod sa Bantayog ni Bonifacio sa Tutuban Center, Tondo, Manila.
Nakiisa rin sa selebrasyon ang iba’t ibang samahan tulad ng Order of the Knights of Rizal, The Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, Tutuban Properties Inc., Kagawaran ng Edukasyon ng Maynila, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Sangguniang Panglungsod ng Maynila, at mga Kaanak ni Andres Bonifacio.