PIA iTALK Episode 5: Malusog na bato, abot-kamay ng bawat Pilipino

Ang mga bato ay mahalagang bahagi ng ating katawan na responsable sa pagsala ng mga dumi at sobrang likido mula sa dugo, paggawa ng hormones, at pag-regulate ng blood pressure.

Makatutulong ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay upang mapanatili ang kalusugan ng ating mga bato. Sa ikalimang episode ng PIA iTalk, samahan si Dr. Marichel Pile-Coronel, isang adult nephrologist at Chairperson ng National Kindey Month Committee mula sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) upang malaman ang mga paraan upang mapanatiling malusog ang mga bato at ang iba’t ibang aktibidad sa pagdiriwang National Kidney Month.

In other News
Skip to content