Maging handa laban sa banta ng Mpox!
Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong naaapektuhan ng MPOX (dating monkeypox), mahalaga ang tamang kaalaman para protektahan ang ating kalusugan.
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay nagpapaalala na maging alerto at sundin ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito. Sa ika-walong episode ng PIA iTalk, ating talakayin ang Mpox—mula sa mga sanhi, sintomas, at mga posibleng lunas, kasama si Dra. Ma. May Jasmin R. Yason ng Quezon City Medical Society.
Huwag palampasin at dagdagan ang inyong kaalaman upang masigurong handa tayo laban sa bagong banta sa ating kalusugan.