Mahalaga ang pataba sa lupa at pestisidyo sa pag-unlad ng agrikultura at pag-angat ng pamumuhay ng mga magsasaka. Nakatutulong ang mga ito sa pagpapayabong ng industriya ng pagsasaka na nagiging daan sa pagkamit ng crop productivity at rice sufficiency sa Pilipinas.
Unti-unting naisasakatuparan ang layuning ito ng pamahalaan sa tulong ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).
Sa panibagong episode ng PIA iTALK, ating hihimayin ang mandato at serbisyong maibibigay ng ahensya kasama si Ms. Camille Mai M. Valles, Administrative Officer V mula sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).