Ngayong Elderly Filipino Week, ating bigyang pagkilala ang kontribusyon ng senior citizens sa pagbuo ng matatag at nagkakaisang nasyon. Ang kanilang mga tagumpay at karanasan ang siyang haligi at inspirasyon para sa susunod na henerasyon.
Kaya suportahan natin ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay at pagkilala sa kanilang naging mahalagang papel sa ating kasalukuyan.