Mula noon hanggang ngayon, ang Tuberculosis (TB) ay nananatiling isa sa pinakamapanganib na sakit sa kasaysayan ng sangkatauhan. Patunay dito ang mga estadistika tungkol sa karamdamang ito.
Ang March 24 ng bawat taon ay tinaguriang World Tuberculosis Day, ating ipalaganap ang adbokasiya laban sa TB! Kasama ang gobyerno at medical community, suportahan natin ang kampanya tungo sa Zero TB community!