Ang kapaligiran ng mga bata, kasama na ang mga taong nakapaligid sa kanila, ay may mahalagang papel sa paghubog ng kanilang pagkatao at pagkakakilanlan na magiging pundasyon ng kanilang pag-unlad sa hinaharap.
Sa pagdiriwang ng National Children’s Month, sikapin nating mabigyan ang bawat bata ng maayos at ligtas na pamumuhay. Ibigay natin sa kanila ang kasiyahan at masaganang tahanan na magsusulong sa kanilang masigla at maunlad na kinabukasan.