Ang PUTING BASTON ay isang mahalagang instrumento na tumutulong sa mga may kapansanan sa paningin na matutong yakapin ang kalakasan at kakayahan na magsarili at harapin ang hamon ng buhay.
Ngayong White Cane Safety Day, ating itaguyod ang karapatan ng mga may kapansanan sa paningin sa isang mas ligtas at inklusibong komunidad. Sama-sama nating gawing mas maliwanag ang kanilang landas!