PNP Calatrava, namigay ng food packs sa mga IPs sa Barangay Pagsangahan

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Katuwang ang ilang partners, namahagi ang Calatrava Municipal Police Station ng food packs sa isang Indigenous Peoples (IP) community sa Barangay Pagsangahan sa Calatrava, Romblon.

Ayon kay Captain Nanette Pablico, Office in Charge ng Calatrava PNP, aabot sa 130 na mga bata at kanilang mga magulang ang nabigyan nila ng food packs. Nagkaroon rin sila ng feeding program sa lugar para masigurong nakakain ang mga batang kasama sa mga nabigyan. “Ang aktibidad na ito ay naglalayong ibigay ang mga mahahalagang pangangailangan ng komunidad,” ayon sa press release ng Calatrava PNP.

Target rin nito na mas mailapit ng PNP ang gobyerno sa mga komunidad para maiwasan ang pagpasok ng insurhensya sa bayan. (PJF/PIA Mimaropa – Romblon)


Pinangunahan ni Captain Nanette Pablico, ang officer in charge ng Calatrava Municipal Police Station, ang isinagawang outreach drive ng PNP sa Barangay Pagsangahan nitong Biyernes ng umaga. (Photo Courtesy: Calatrava MPS)

In other News
Skip to content