PNP Caraga naka-full alert status sa Semana Santa

LUNGSOD NG BUTUAN — Pagtitiyak ng Philippine Information Agency (PNP) Caraga na naka-full alert status ang kanilang hanay upang masiguro ang seguridad at maayos na paggunita sa Semana Santa.

Ayon kay Police Major Jennifer Ometer, chief ng Public Information Office, PNP Caraga Regional Office sa Butuan City, kailangang mapaigting pa ang kampanya laban sa kriminalidad lalo na ngayong Semana Santa.

“May naka-deploy na 1,724 na personnel ng PNP sa rehiyon. Maaaring dumulog o tumawag ang ating mga kababayan sa ating mga kapulisan kung sakaling may gusto silang i-report na insidente o kahinahinalang aktibidad sa kanilang komunidad upang agad ring maka-responde ang ating kapulisan sa kanilang lugar,” ani PMaj. Ometer.

Binigyang-diin din ni PLtCol. Jude Cres Milan, chief ng Public Information Office ng Agusan del Sur Police Provincial Office (ADSPPO) na mahigpit ang direktiba ng national headquarters sa maiging pag-monitor sa mga barangay.

“Naka-full alert tayo ngayon per directive ng headquarters kaya’t 24/7 ang pagbigay serbisyo ng ating mga kapulisan sa mga komunidad,” pahayag ni PLtCol. Milan.

Naging organisado naman ang pagsakay at paghihintay sa mga bus at van sa Langihan terminal maging sa terminal ng Robinsons Place sa Butuan City, at iba pang terminal ng mga probinsya sa Caraga kahit marami na ang nakapila.

Nakaantabay rin ang mga kawani ng Department of Transportation (DOTr) Caraga para sa inspeksyon ng mga bus upang masigurong nasa maayos na kondisyon, at maging ang lisensya ng mga drivers. (JPG/PIA-Caraga)

In other News
Skip to content