PNP Chief, hinikayat ang mga pulis na makiisa sa internal cleansing program

Si PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. sa kanyang pagbisita sa Police Regional Office – Cordillera, Pebrero 16, 2023. (Photo: RPIO PRO-Cor)

LA TRINIDAD, Benguet (PIA) — Muling hinikayat ni Philippine National Police Chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. ang mga pulis na makiisa sa internal cleansing program ng pambansang pulisya.

Sa kanyang pagbisita sa Police Regional Office – Cordillera nitong Huwebes (Feb. 16), binigyang diin nito na kailangang pangatawanan ng mga pulis ang kanilang sinumpaang tungkulin.

“Today’s visit is a reminder of our crucial step forward and towards our goal of weeding out police scalawags and regaining the trust of the people. It is a call to all men in uniform to stand up and be counted, to take responsibility for our actions, and to actively participate in the internal cleansing program of the PNP,” ani Azurin.

Aniya, bagama’t ang pulisya ang nangunguna sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko, ang organisasyon ay nasusubok dahil sa presensiya ng ilang iskalawags. Dahil dito ay marapat aniya na patunayan nila sa taong-bayan na sila ay may dangal at integridad.

“We must show the people that we are serious about this campaign. We must show them that we are willing to go the extra mile to regain their trust. We must show them that we are not just men in uniform but we are also men of honor and integrity,” ani PNP chief.

Kinilala naman nito ang magandang bunga ng kampanya sa Cordillera partikular na sa kampanya laban sa kriminalidad, insurhensiya, at ilegal na droga.

Ilan na ring mga most wanted criminals at insurgents ang inaresto sa rehiyon na patunay aniya sa hindi natitinig na commitment ng kapulisan upang masiguro na ligtas ang mga komunidad.

Dagdag pa nito, ang pagsira ng marijuana plants sa lalawigan ng Benguet at Kalinga ay nagresulta ng malaking dagok sa illegal drug trade.

“This is a victory not just for the law enforcement but for our entire society as we work together to create a safer and more secure future for our communities,” ani Azurin. (DEG-PIA CAR)

In other News
Skip to content