PNP RHPU Mimaropa nagsagawa ng community outreach sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Isinagawa kamakailan ng Philippine National Police (PNP) Regional Highway Patrol Unit (RHPU) Mimaropa ang kanilang Community Outreach Program sa 50 mag-aaral at limang guro ng Navotas Elementary School sa lungsod na ito.

Sa naturang aktibidad, namahagi ang mga tauhan ni RHPU Regional Chief, Police Colonel Joe Wilson Denamarca sa pamumuno ni Police Executive Master Sergeant Jeanne De Villa ng mga food packs sa mga estudyante mula kindergarten hanggang sa ika-anim na baytang gayundin sa limang guro. Ito ay nagkakahalaga ng P10,000.

Isinusulong din ng RHPU ang magandang relasyon sa pamayanan upang ipabatid sa mga mamamayan na ang mga pulis ay kakampi at maaaring maging kaibigan at mapagkakatiwalaan bilang bahagi ng kanilang PNP Revitalized KASIMBAYANAN Program. (DN/PIA-Mimaropa/OrMin/RHPUMimaropa)


Namahagi ang Regional Highway Patrol Unit Mimaropa na pinamunuan ni PEMS Jeanne De Villa ng mga food packs sa 50 mag-aaral at mga guro ng Navotas Elementary School sa lungsod ng Calapan kamakailan. (Larawan kuha ng RHPU Mimaropa)

In other News
Skip to content