Police: Marinduque, nananatiling mapayapa ngayong taon

BOAC, Marinduque (PIA) — Nananatiling maayos at mapayapa ang buong lalawigan ng Marinduque.

Sa panayam ng PIA Marinduque kay Police Provincial Director Arthur A. Salida, sinabi niya na kung ihahambing ang datos sa huling quarter mula Setyembre hanggang Disyembre 2023 na nakapagtala ng 167 total  crime incidents (TCI), ngayong Setyembre hanggang Disyembre 2024 ay bumaba ito sa 84 TCI o may katumbas na 46.70 porsiyento.

Dagdag ni Salida, sa hanay ng Peace and Order Indicator (POI) naman ay nasa 128 noong Setyembre hanggang Disyembre 2023 habang nasa 51 na lamang na may 60.16 porsiyento sa kaparehong panahon ngayong taon.

Samantala, sa hanay ng Index Crimes (homicide, rape, robbery at mga malubhang kaso) na nasa 13 kaso noong Setyembre-Disyembre 2023, tumaas ito sa 14 o umakyat ng 7.69 porsiyento sa kaparehas na pahanhon ngayon taon.

Ayon pa sa talaan ng Police Provincial Office ng Marinduque, mataas ang bilang ng krimen tuwing araw ng Sabado at Linggo kumpara sa tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Mataas ang insidente ng krimen sa bayan ng Boac na may walo noong Setyembre-Disyembre 15, 2024, sumunod naman ang bayan ng Buenavista na may tatlo, Mogpog ay may isang krimen, Santa Cruz ay dalawa, habang sa mga bayan ng Gasan at Torrijos ay walang naitalang krimen, ayon kay Salida. (DN/PIA MIMAROPA-Marinduque)

In other News
Skip to content