Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DENR CALABARZON, PAMO TVPL patuloy ang dismantling activities sa mga iligal na istraktura sa lawa ng Taal

CALAMBA CITY, Laguna - Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON, sa pamamagitan ng Protected Area Management Office - Taal Volcano Protected Landscape (PAMO-TVPL), ay magsasagawa ng isang pagbabaklas ng mga ilegal at abandonadong istraktura sa Brgy. Gulod at Buso-Buso, Laurel, Batangas simula 31 ng Mayo hanggang 6 Hunyo 2022.
 
Batay sa isinagawang imbentaryo ng PAMO-TVPL, naitala na 63 fish corrals o baklad, and ilegal na nakatayo sa baybay lawa ng nasabing dalawang barangay. Ang nasabing mga istruktura ay maaaring maging hadlang o sagabal sa mga gagawin na pag responde sa panahon ng peligro at maituturing na panganib sa mga dumadaang banka.
 
Ang pagbabaklas na ito ay alinsunod sa Kautusang Pampangisdaan ng TVPL at sa PAMB Resolution No. 91, series of 2021, kung saan nakasaad ang permanenteng pagbabawal ng pagtatayo at operasyong ng ilegal na baklad sa buong Lawa ng Taal. Nakasaad din sa resolusyon na ito na pansamantalang pinayagan ang operasyon ng fish corral o baklad sa loob ng anim (6) na buwan simula Hulyo hanggang Disyembre taong 2021 ngunit tatanggalin at babaklasin pagkatapos ng ibinigay na palugit.
 
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng DENR CALABARZON, PAMO-TVPL, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) IV-A, katuwang rin ang PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, at ilang mga law enforcement agencies. (DENR4A)

About the Author

Region 4A Writer

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch