Presyo ng mga bilihin sa rehiyon, ininspekyon ng DTI MIMAROPA

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Ayon sa inilabas na datos ng Department of Trade and Industry (DTI) Mimaropa hinggil sa paggalaw ng mga presyo sa rehiyon para sa unang linggo ng 2023; mayroong ilang establisyemento at mga bilihin na tumaas ang presyo at mayroon din namang nanatili.

Walang naitala na pagtaas ng presyo sa mga ininspeksyon na mga establisyemento sa Occidental Mindoro. Lahat ng mga pangunahing bilihin at iba pang pangangailangan ay nananatili sa suggested retail price nito. Ngasagawa rin ng Covid-19 minimum health protocols (MHP) monitoring sa dalawang (2) establisyemento sa naturang lalawigan.

Para naman sa probinsya ng Oriental Mindoro, nagpakita ng pagtaas ng presyo ang walo (8) sa sampung (10) establisyementong ininspeksyon. Nananatili namang sapat ang suplay ng mga produkto sa mga pamilihan. Nagkaroon din ng pagtaas ng presyo ang isang establisyemento na nag susuplay ng mga materyales para sa konstruksyon. Siyam (9) naman sa sampung (10) establisyemento na nag susuplay ng gasoline ang nagpakita ng pagtaas ng presyo sa lalawigan. Lahat sa sampung ininspeksyon na establisyemento ang nagpakita ng pagbaba ng presyo ng diesel.

Karamihan naman sa mga produkto at pangunahing bilihin sa Marinduque ay nananatiling nasa suggested retail price. Subalit nagpakita ng pagtaas ng presyo ang meatloaf. Bumaba naman ang halaga ng mga instant noodles at sabon sa lalawigan. Itinaas na rin ang Price Freeze sa lalawigan makalipas ang 60 na araw matapos salantain ng bagyong Paeng ang probinsya.

Para naman sa probinsya ng Romblon, tumaas ang presyo ng mga gasoline at diesel sa naturang lalawigan. Wala namang naitalang paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa Palawan. Base sa Sangguniang Bayan Resolution No. 2022-216, isinailalim ang bayan ng Brooke’s Point sa State of Calamity epektibo simula Disyembre 28, 2022 dahil sa malawakang pagbaha sa naturang lugar. Dahil dito ay iimplementa ang Price Freeze sa naturang bayan at tatagal ito ng 60 na araw.

Patuloy naman ang isinasagawang inspeksyon ng ahensiya sa iba’t-ibang establisyemento sa rehiyon upang maisiguro na naaayon ang mga presyo ng mga billihin at pangunahing pangangailangan sa itinakdang suggested retail price. (JJGS/PIA MIMAROPA)

In other News
Skip to content