Produktong gawa sa waterlily, isinusulong ng DTI at Naujan LGU

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Nagsagawa ng productivity enhancement training kamakailan sa paggawa ng mga handicraft gamit ang halamang waterlily na isinusulong ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro Provincial Office sa pamamagitan ng Negosyo Center katuwang ang lokal na pamahalaan ng Naujan.

Nakilahok ang mga kasapi ng Dao Waterlily Association sa nasabing aktibidad na ginanap sa Dao Waterlily Mini Park na kung saan sila’y nakagawa ng iba’t-ibang disenyo ng mga bags gamit ang mga hibla ng waterlilies para makabuo ng kanilang mga produkto.

Samantala, nakiisa rin si Naujan Vice Mayor Great Delos Reyes bilang pagsuporta sa programa ng DTI at samahan at kanyang hinihikayat ang taongbayan na bumili ng naturang produkto upang patuloy na masuportahan at maisulong ang mga produktong gawa mula sa nabanggit na bayan. (DN/PIA Mimaropa-OrMin)

In other News
Skip to content