LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Isinagawa ang kick-off meeting na pinangunahan ni Sorsogon Governor Boboy Hamor sa 541 na mga punong barangay sa probinsya ng Sorsogon nitong January 2, 2023 na ginanap sa provincial gymnasium, Capitol Compound, Sorsogon City.
Inilahad ang mga programang isinusulong ng pamahalaang lalawigan para sa kasalukuyang taon partikular ang kabuhayan, katrangkiluhan, kalusugan, kadunungan, kagayunan, kalinisan at kalikasan o ang 7K Program ng pamahalaang lalawigan.
Matatandaan na nauna nang inilunsad ang Kalinigan, Kagandahan, Kalikasan, at Katrangkiluhan program nitong nakaraang 2022.
Ayon kay Hamor, asahan ng mga Sorsoganon ang full implementation ng lahat ng mga programa na nakapaloob sa 7K program.
Naniniwala si Hamor na ang 7K Program ang sagot sa pangangailan ng bawat Sorsoganon.
Ipinaliwanag rin niya ang mga dapat at nais niyang mangyari upang masigurong magagastos ng tama ang mahigit na P2.9 bilyong budget ng pamahalaang lalawigan.
Samantala, kasabay ng pagpahayag ng kanyang pasasalamat, hiningi rin ni Hamor ang buong suporta at kooperasyon ng bawat Kapitan upang maisakatuparan ng pamahalang lalawigan ang direksyong nais nitong tahakin para sa pag-unlad ng probinsya ng Sorsogon.
Photo via Sorsogon PIO fb Page