PUV modernized jeepneys ng isang transport cooperative, aarangkada sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Aarangkada na ang 30 units na mga bagong modernized jeepneys ng Magallanes-Juban Transport Cooperative.

Ayon kay Marciana Grefaldeo Olondriz, kalihim ng Magallanes-Juban Transport Cooperative, ang mga ruta nito ay Matnog via Juban-Casiguran-Irosin – Magallanes Via Juban-Casiguran.

Kaugnay nito, nakatakdang ganapin ang launching sa January 12, 2023, simulang 1 p.m. sa Casiguran Gymnasium.

Maghahandog ng “free rides” ang Magallanes – Juban Transport Cooperative sa mga mananakay .

May limang units ang rutang Magallanes, limang units din sa rutang Matnog at limang units din sa rutang Juban. Babalik ang units sa bayan ng Casiguran. Maaari namang sumakay sa free rides ang mga nais dumalo sa launching.

Samantala opisyal at regular na ang magiging operasyon ng 30 mga bagong modernized jeepney ngayong Byernes, Enero 13, 2022. (PIA5/Sorsogon)

In other News
Skip to content