Re-launching ng BIDA Program, isinagawa sa bayan ng Pola

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA)– Dinaluhan ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Atty. Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang re-launching ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) sa bayan ng Pola noong Hunyo 21.

Pinangunahan nina Abalos at Pola Mayor Jennifer Cruz ang distribusyon ng BIDA slippers sa mga katutubong Mangyan na sinundan naman ng feeding program.

Sa mensahe ng kalihim, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng isang drug-free community.

Ayon kay Abalos, kapag walang nagdo-droga sa komunidad, bababa ang insidente ng krimen. Nanawagan din ang kalihim na pagtulung-tulungan ng mga mamamayan at lahat ng ahensiya ang pagsugpo sa probleman sapagkat ito ayon sa kaniya ay ang tunay na misyon ng pagbuo ng BIDA Program.

Matapos ang isinagawang re-launching ng BIDA Program, isinagawa ngayong araw ang BIDA Fun Run at Zumba sa naturang bayan.

Nasa 500 indibidwal ang lumahok sa mga aktibidad na isinagawa sa nabanggit na bayan.

Ang naturang mga aktibidad ay isinagawa kaalinsabay ng selebrasyon ng Sab-Uyan Festival sa bayan ng Pola ngayong araw. Nagsilbi ring hudyat ang mga gawain bilang simula ng kampanya ng pamahalaan kontra droga. (JJGS/PIA Mimaropa-OrMin)


Bahagi ng muling paglulunsad ng BIDA Program ay ang pamamahagi ng mga tsinelas sa mga kabataang katutubo sa bayan ng Pola. (Larawan mula DILG Oriental Mindoro)

In other News
Skip to content